Tatlo hanggang anim na buwan lamang
lilipulin ni Digong ang lahat ng kriminal at korap sa buong bansa, e masaker
‘yan, baka kalahati ng buong populasyon madale nya. Para kay Miriam kailangan
mataas ang mga nakuhang marka sa academic record ng ihahalal, dahil hindi umano
para sa mga bopol ang pagiging pangulo ng bansa. Para kay Roxas, kailangan na
kung ano ang naranasan niyang rangya ay ganyan din ang ipararanas niya sa
taumbayan. Sang-ayon naman kay Binay, gagawin nyang Makati ang buong bansa kung
saan ang serbisyo ng pamahalaan ay lasap ng lahat. Para naman kay Poe ibibigay
niya ang isang pamahalaang may puso sa taumbayan.
Ang sabi ni Mang Kanor na tindero ng
gulaman, “Sa totoo lang wala akong maiboto e, walang mapili.” Para kay Aling
Bebang na naglalako ng kalamay, “Nangku e puro pangako lang mga iyan.” Para kay
Mang Kosme na taga-baklas ng bakal ng mga tulay kapag tulog na ang mga pulis,
“Kahit sino ang ilagay ninyo diyan magnanakaw at magnanakaw kung hindi man sila
ay mga bataan nila.” Ayong naman kay pareng George na dyipni drayber, “Kaya
ako’y hindi na muna boboto wala din namang kwenta ang mga tumatakbo.” Para kay
Mang Isong na retiradong sundalo, “Mas maganda diyan ay isang rebolusyon,
ubusin na lahat ng mga manloloko sa taumbayan at palitan ang buong gobyerno.”
Easy, easy boss Isong.
Sa totoo lang, napakaganda nang ganyang
may pag-dedebate ang mga tumatakbong pagka-pangulo, nalalaman natin ang laman
ng mga “coconut” nila. Kung papaloko tayo e bahala tayo. Ganyan talaga ang
demokrasya, kung bobo o magnanakaw ang ihalal ng taumbayan e wala tayong magagawa
kundi sundin ang dikta ng balota.
Napansin ko na sa mga nagsalitang
presidentiable, e tanging si Binay lamang ang consistent ang eye contact na ang
tingin ay nakatuon sa mga host ng Siyete na sina Mike Enriquez at Jessica Soho
at moderator nitong si John Neri. Si Duterte ay tumitingin sa mga host habang
nagsasalita ngunit tumitingin din sa studio audience. Si Poe ay sa audience
tumitingin, sa isang marahil ay kakilala at sa notes na nasa kanyang harapan. Si
Miriam naman ay sa audience nakatuon ang tingin. Samantalang si Roxas ay hindi
alam kung saan nakatingin.
Importante itong behavior ng mga mata
ng mga kandidato. Sa pamamagitan ng mga mata o pagtingin ng mga kandidato,
mababanaag mo kamasa kung determinado ba, nakapaghanda ba, sinsero ba,
nagsisinungaling ba o sadyang wala lang alam ang isang kandidato.
Sa mga susunod na debate, bukod sa mga
salita, ay atin pong bantayan ang galaw ng mga mata ng ating mga
presidentiable, at habang papalapit na nang palapit ang halalan e huwag na pong
kukurap, at baka sa kangkungan na naman pupulutin ang taumbayan.
No comments:
Post a Comment