May nakalaan na $66 milyon para sa Pilipinas ang Estados Unidos bilang
tulong sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Madadagdagan pa umano ang nasabing pondo, ayon kay US Ambassador Philip
Goldberg.
Ginagawa ng Estados Unidos ang pagtulong bilang ayuda sa Sandatahang
Lakas ng Pilipinas na magkaroon ng kapani-paniwalang kakayahan na ipagtanggol
ang sarili sa senaryong lusubin ito ng Tsina. Maging ang bansang Japan at
Australia ay umaalalay na din si Pilipinas upang makamtan ng bansa ang
tinatawag na “minimum credible defense system.”
Ang South China Sea ay hindi lamang alalahanin ng Pilipinas, dahil
bumabagtas sa nasabing parte ng karagatan ang mahigit sa $5.3 trilyon na halaga
ng kalakal taon-taon, at $1.2 trilyon ng nasabing kalakal ay kalakal ng Estados
Unidos.
Lahat ng indikasyon ay nagsasabi na handang gumamit ang Tsina ng pwersa
at dahas upang maisaysay at maipilit ang kanyang pinaniniwalaang karapatan sa
South China Sea. Nakapagtayo na ang Tsina at patuloy na nagtatayo ng mga
pasilidad para sa kanyang lakas-militar. Nagdeklara na ito ng Exclusive
Economic Zone (EEZ) sa mga lugar sa South China Sea na pinagtatalunan pa ng
ilang mga bansa kung sino nga ang totoong nagmamay-ari at nararapat na
kumontrol.
Ang interes ng Tsina sa South China Sea ay pusisyon at langis. Sino
mang maka-pusisyon sa South China Sea ay maaaring makakontrol ng kalakalan sa
buong daigdig, dahil dito ay hindi masusukat ang magiging kapangyarihan sa
buong mundo ng sinumang bansa na makakakupo sa South China Sea. Ikalawa ay ang
nakaimbak na pinaniniwalaan ng Beijing na nasa 130 bariles ng langis na
nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa $4 trilyon ang halaga at base sa datos
naman ay nasa 900 trilyon na cubic feet ng natural gas ang maaaring masususo
dito na nagkakahalaga ng maaaring higit pa sa $1 trilyon.
Desperado ang Tsina sa langis, ang oil reserves nito ay 1.1% lamang ng
oil reserves sa buong daigdig samantalang ang kinukonsumo nitong langis ay nasa
10% ng kabuuang produksyon ng langis ng buong mundo bukod pa sa konsumo nito na
20% sa kabuuang konsumo sa enerhiya ng buong daigdig.
Bukod sa Pilipinas at Tsina, marami pang ibang bansa sa Asya katulad ng
Vietnam, Japan, Brunei, Taiwan, Indonesia, Malaysia, Cambodia, Thailand at
Singapore ang may kanya-kanyang claim sa ilang mga bahagi sa South China Sea.
Ngunit hindi na ito alintana ng Tsina sa pagdedeklara ng EEZ sa mga dako roon kung
saan ang mga dumadaang eroplano at sasakyang pang-karagatan ay inuutusan ng
Tsina na magpaalam muna dito o nanganganib na pasabugin nito. Ganito kagutom
ang dambuhalang dragon, wala nang kinikilala.
Ang presensiya ng Estados Unidos sa Pilipinas ay paglalagay din ng
balanse ng kapangyarihan sa parteng ito ng daigdig. Noong 1990s halimbawa ay
walang kamuwang-muwang o sadyang nagbulag-bulagan ang Philippine Navy nang
magtayo ang Tsina ng mga istrukturang militar sa Mischief Reef.
Lubhang wala nang kinatatakutan at nirerespeto ang Tsina sa parteng ito ng daigdig. Lalong naging agresibo ang Tsina sa pagtatayo ng mga istruktura sa South China Sea na naglalagay sa panganib sa seguridad ng mga bansa, pang-daigdigang kalakalan at kalayaan sa paglalayag sa nasabing mga dako ng karagatan bukod pa sa walang gatol na pagsira sa kalikasan. Ang pagkakaisa ng mga bansa sa Asya at presensya ng Estados Unidos sa rehiyon ay lubhang napakahalaga. Tumutulay ang Asya sa alambre sa ngayon, isang maling galaw ay maaaring mangahulugan ng digmaan. Walang kakayahan ang Pilipinas sa ganyang senaryo. Nanatiling parang musmos na nangangailangan ito ng alalay ng ibang mga bansa.

No comments:
Post a Comment